Hindi sisipot sa pagpapabakuna, iba-blacklist sa Navotas

NAGBANTA ang pamahalaang lokal ng Navotas City na iba-blacklist nito ang mga residente na hindi sisipot sa nakatakda nilang pagpapabakuna.

Ito ang inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco matapos may 500 residente ang hindi sumipot sa nakatakda nilang pagpapabakuna nitong Lunes.

Bukod dito, hindi na rin sila maaaring magpa-schedule hanggang hindi nababakunahan ang buong populasyon ng lungsod.

“So, starting tomorrow, if you don’t arrive on the schedule you chose, you will be blacklisted and you won’t be able to reschedule until after all the city population has been vaccinated,” pahayag ng alkalde.