Eric Fructuso excited nang maging lolo


INANUNSYO ng dating matinee idol na si Eric Fructuso na magiging lolo na siya sa edad na 44.


Sa Instagram, nag-post si Eric ng video kung saan pinapayuhan niya ang anak na si Frederick kung paano maging mabuting asawa at ama.


“Ikakasal ka na, magkaka-baby ka na. Ito based on experience lang. Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako pero marami akong pagkakamaling ginawa especially sa mommy mo, sa mga sumunod,” ani Eric.


“Ang pinakapayo ko sa ‘yo, alagaan mo ‘yung asawa mo. Papakinggan mo siya, susundin mo siya. Huwag kang magpapadala sa temptation,” dagdag niya.


“Love her. Love her like there is no tomorrow. Enjoy-in mo lang. Huwag kang magpapapaniwala sa ibang babae ha,” aniya pa.


Miyembro si Fructuoso ng Gwapings, kasama sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez.