Erwin Tulfo itinalagang DSWD secretary

ITINALAGA ni President-elect Bongbong Marcos ang brodcast journalist na si Erwin Tulfo bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa isang briefing, sinabi ni incoming Communications secretary Trixie Cruz-Angeles na bukod kay Tulfo, kapatid ng nanalong senador na si Raffy Tulfo, napili rin ni Marcos sina Naida Angping bilang Presidential Management Staff head; Amenah Pangandaman, Secretary ng Department of Budget and Management (DBM); Liloan Mayor Christina Frasco bilang bagong Kalihim ng Department of Tourism; at Ivan John Enrile Uy, Secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Nagpasalamat naman si Tulfo sa appointment sa kanya ni Marcos.

“Una sa lahat, salamat sa Diyos. Maraming salamat kay President-elect Bongbong Marcos sa tiwala. Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD. Ang tanging maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahihirap at nangangailangan,” pahayag ni Tulfo.