Robredo binati si Sara

BINATI ni Vice President Leni Robredo si Vice President-elect Sara Duterte sa kanyang pagkapanalo bilang susunod na pangalawang pangulo ng bansa.

“Warmest congratulations on your proclamation as the 15th Vice President of the Republic of the Philippines,” sabi ni Robredo sa kanyang sulat kay Duterte.

Idinagdag ni Robredo na nakahanda siyang makipagpulong kay Duterte para matiyak ang maayos na pagsasalin ng kapangyarihan.

Una nang sinulatan ni Duterte ang tanggapan ni Robredo hinggil sa plano nitong pakikipagpulong para sa maayos na transition.

“Please be advised that we are ready to meet to answer any questions you may have regarding the Office of the Vice President and to take all necessary steps to ensure a smooth transition,” dagdag ni Robredo.

Inatasan ni Robredo ang kanyang chief of staff na si Undersecretary Philip “Bolet” Dy para makipag-ugnayan sa grupo ni Duterte.