CA ipinagtibay hatol vs Maria Ressa

IPINAGTIBAY ng Court of Appeals ang hatol kaugnay sa kasong cyber libel laban sa Rappler CEO na si Maria Ressa at dating Rappler writer-researcher na si Reynaldo Santos Jr. na may kaugnay sa negosyanteng
si Wilfredo Keng.

Ibinasura man ang apela ni Ressa, ibinaba naman ng CA sa anim na buwan at isang araw mula sa anim na taon at walong buwan ang parusa sa dalawa.

Matatandaan na hinatulan sina Ressa at Santos na makulong ng anim na taon noong June 2020 ni Manila Regional Trial Court Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Branch 46.

Nag-ugat ang kaso sa isang article na lumabas sa Rappler noong 2012 kung saan idinawit si Keng kay dating Chief Justice Renato Corona, na noon ay humaharap sa impeachment trial.