Hindi niluto ang favorite food, groom nag-walkout sa kasal

NAG-WALKOUT sa kanyang kasal ang groom makaraang malaman na hindi niluto ng pamilya ng kanyang bride ang request niyang ulam na curry kamakailan sa India.


Ayon sa ulat, dumating si Ramakant Patra, 27, at kanyang pamilya sa Bandhagaon, Sukinda noong Miyerkules para sa seremonya nitong Biyernes.


Matapos ang ilang pre-nuptial rituals ay nagtungo na ang dalawang pamilya sa bulwagan para kumain.
Hinanap ng groom ang ni-request niyang mutton curry, pero nang walang mai-serve ang pamilya ng bride ay nagkaroon ng pagtatalo.


Kinalaunan ay nagdesisyon si Patra at ang pamilya niya na huwag nang Ituloy ang kasal. Lumayas sa venue ang entourage ng groom at tumuloy sa mga kamag-anak sa kalapit na bayan ng Kuhika.


Napag-alaman na nagpakasal si Patra sa ibang babae isang araw bago siya umuwi sa kanila.


Matatandaan na isang babae naman ang nagkansela ng kanyang kasal makaraang bumagsak sa math test ang kanyang groom sa Uttar Pradesh. Isa pang bride ang nagpakasal nagpakasal naman sa guest nang abandonahin siya ng kanyang groom sa araw ng kanilang kasal.