Ginang di nakasingil ng utang, tinodas ni mister

BINARIL at napatay ng padre de pamilya ang kanyang misis dahil hindi umano ito nakasingil ng kanilang pautang sa Sarrat, Ilocos Norte nitong Linggo.


Naitakbo pa sa ospital ang biktima pero hindi na ito naisalba pa ng mga doktor. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa dibdib.


Agad namang dinakip ng mga otoridad ang suspek, na nagsisisi sa kanyang ginawa at sinabing lasing siya nang maganap ang krimen. Nahaharap siya sa kasong parricide.


Ayon sa ulat, nagtalo ang mag-asawa nang umuwi na walang nasingil na utang ang ginang.


Sa gitna ng pagtatalo ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang asawa.


Nang mapagtanto ang kanyang nagawa, isinugod niya sa ospital ang biktima.