Filipino lawyer na binaril sa Amerika pumanaw na

PUMANAW na ang Pinoy na binaril sa Philadelphia matapos ang nangyaring random shooting habang bumibisita kasama ang kanyang ina.

Kinumpirma ni Lea Laylo, nanay ng biktimang si Atty. John Laylo na pumanaw na ang kanyang anak alas-10:33 ng umaga (US time).

“My last happy moments with my son Jal who passed away this morning at 10:33am EST time. I thank God for the 35 years of his life. I’m beyond grateful for having a good, smart, generous, loving, caring son these are the adjectives I can think of now. I’m lost of words!” sabi ni Lea sa isang Facebook post.

“I can’t explain the pain, the heaviness I have in my heart. It took me hours to post this because still I can’t believe this happened!,” dagdag pa ni Lea.

Bumibisita lamang ang mag-ina sa Philadelphia sa kanilang mga kaanak nang paulanan ng bala ang sinasakyang kotse na patungo ng airport.