Carlos Yulo humakot ng 3 ginto sa Asian championships

HUMAKOT ng tatlong ginto ang Pinoy gymnast na si Caloy Yulo sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.

Bukod sa tatlong ginto para sa floor exercise, parallel bars at vault competition, nakakuha rin si Yulo ng isang silver para sa men’s all-around event.

Nakatakda namang lumaban si Yulo sa Artistic World Championships sa Liverpool, England, sa Oktubre 29 hanggang Nobyebre 6, 2022.

Bago pa bumida sa Asian Gymnastics, humakot din si Yulo ng limang medalya sa katatapos lang na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.