BBM itinalaga ang sarili bilang Agriculture Secretary

INIHAYAG ni President-elect Bongbong Marcos na nagdesisyon siya na italaga ang sarili pansamantala bilang susunod na Secretary ng Department of Agriculture (DA)

“As to agriculture, I think the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture at least for now,” sabi ni Marcos sa kanyang press conference.

Pinulong ni Marcos ang miyembro ng kanyang economic team sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.

Nauna nang ipinangako ni Marcos noong kampanya na gagawin niyang P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas.