Noli De Castro balik-politika; tatakbong senador

MATAPOS ang 11 taon na pamamahinga sa politika, balik-Senado ang target ni dating Vice President Noli De Castro.

Naghain ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkasenador si De Castro Biyernes ng umaga, Okt. 8, huling araw ng filing ng COC.

Tatakbo siya sa ilalim ng tiket ng Aksyon Demokratiko na nagsusulong sa kandidatura sa pagkapangulo ni Manila Mayor Isko Moreno.

Bago naging bise presidente noong 2004, unang nahalal si De Castro bilang senador noong 2001.

Huwebes nang mamaalam si De Castro sa kanyang mga tagapakinig sa ABS-CBN.