Bawal bumisita sa sementeryo sa Malabon sa Okt. 29 hanggang Nob. 3

IPINAGBAWAL ng lokal na pamahalaan ng Malabon City ang pagtungo sa mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2021 sa harap ng patuloy na banta ng coronavirus disease (Covid-19).

Sa ipinalabas na Executive Order ng Malabon City, sinabi ng lokal na pamahalaan na gagawin ito para maiwasan ang pagdami ng tao sa sementeryo na maaaring maging sanhi ng pagkalat ng Covid-19.