No senatorial bid for Bam Aquino, campaign manager na lang ni Leni

INIHAYAG ni dating Senador Bam Aquino na hindi na siya tatakbo sa pagksenador sa darating na eleksyon.

Anya, tututukan na lamang niya ang pagiging campaign manager ni Vice President Leni Robredo na ngayon ay tumatakbo sa pagkapangulo.

Nitong Huwebes ay naghain ng certificate of candidacy si Robredo para sa pagkapangulo.

Ayon kay Aquino, hiniling ni Robredo na maging campaign manager siya nito.

“Hiniling niya sa akin na maging kaniyang campaign manager,” ani Aquino kasabay ang pag-amin na mabigat ang laban na kanilang susuungin.

“Bagkus mayroon nang paghahanda patungo sa ating pagkandidato bilang Senador muli, minarapat ko na isantabi ito para sa mas mahalagang laban para sa ating bayan,” dagdag pa nito.