Leni umangkas sa motor para di ma-late sa kampanya

SHINARE ng award-winning actress na si Cherry Pie Picache ang video clip ng pag-angkas sa motorsiklo ni presidential candidate Vice President Leni Robredo nitong Sabado.

Ayon kay Cherry Pie, dumating si Leni sa Gen. Trias Cavite Sports Complex sakay ng motorsiklo Biyernes ng gabi.

Ayaw umanong ma-late sa campaign rally dahil sa traffic ang bise presidente kaya nag-backride ito.

Ani Cherry Pie: ‘TRULY AN INSPIRING LEADER. Para hindi siya ma-late sa Grand Rally sa GenTri Cavite, minarapat ni VP @lenirobredo na makiangakas papuntang venue.

“Talagang mataas ang pagpapahalaga niya sa tao. ANG SIPAG NIYA …at lagi niyang sinisikap maging ON TIME.

“Appreciative siya sa lahat ng efforts na naghihirap na volunteers at nai-enjoy ko talaga ang pagbabasa niya ng HUGOT PLACARDS ng kanyang supporters!!!

“Matutulog tayo nang may saya – dahil napatunayan nating kahit Marcos-Duterte loyalists ang karamihan ng naghahari-harian sa Cavite, iba talaga kapag tao na ang pumapanig sa MAHUSAY, TOTOO, hindi TRAPO, hindi CORRUPT at subok na ang PANINILBIHAN!!! 🌸 SALAMAT CAVITEÑOs.”