Anak ni Kiko di kikilalaning pangulo si BBM

Anak ni Kiko di kikilalaning pangulo si BBM

INIHAYAG ni Kakie Pangilinan, anak nina Sharon Cuneta at vice presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan, na hindi niya matatanggap na pangulo ng Pilipinas si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa panayam kay Kakie nang dumalo sa kilos-protesta sa Palacio del Gobernador, hindi niya ituturing na pangulo ang may apelyidong Marcos.


“Sabi ng iba na we have to accept defeat daw na hindi tayo marunong matalo. I think that the truth is, it’s not just about this election anymore,” aniya.


“I’m not going to have my president be named Marcos again! Ever! We all know what’s right and wrong. If we are not here to stand up, if we are not here to fight, e ano pa ang ginagawa natin dito sa Pinas?” dagdag niya.


Sumugod ang mga kakampinks sa tanggapan ng Commission on Elections nitong Martes upang kondehahin ang umano’y malawakang dayaan sa halalan.