Bata kinalas saranggola sa kable, nakuryente

NAKURYENTE ang teenager habang kinakalas ang saranggola na sumabit sa kawad ng kuryente sa Lapu-Lapu City, Cebu.


Nagtamo ng mga paso sa mga braso at paa ang biktima, 13, at ginamot sa Vicente Sotto Medical Center sa Cebu City.


Ayon sa pulisya, inakyat na bata ang bubong ng kanilang bahay sa Sitio Upper Matumbo,


Brgy. Pusok umaga ng Huwebes para kunin ang sumabit na saranggola.


Sinubukang kalasin ng bagets ang pisi gamit ang isang bakal pero nadikit ito sa live wire kaya siya nakuryente.


Agad namang naisugod sa pagamutan ang biktima ng mga kaanak na nasaksihan ang pangyayari.