ANDREA BRILLANTES NAGNGITNGIT SA PAGKATALO NI LENI

DISMAYADO ang young actress na si Andrea Brillantes sa pagkatalo ng kanyang kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.


Sa kanyang social media post, nag-rant ang Kapamilya actress nang malaman ang resulta ng bilangan ng boto.


“Minsan mapapa-wtf ka na lang talaga,” tweet niya.


“Wala na akong pake sa respect my decision eme na ‘yan! Sorry pero nakaka-disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” dagdag niya.


“Papakalma muna ako goodbye,” aniya pa sa isang tweet.