Isko walang panlasa, pang-amoy

WALANG panlasa at pang-amoy si Manila Mayor Isko Moreno” na naka-confine sa ospital dahil sa Covid-19.

Sa medical bulletin, sinabi ni Sta. Ana Hospital director Grace Padilla na may ilang sintomas ang nararamdam ni Moreno sa kanyang panglimang araw sa ospital.

“Our Honorable Mayor, on his fifth hospital day, has reported a loss of smell and taste which is part of the Covid-19 disease spectrum,” ani Padilla.

“He has minimal body pains reported, now at Grade 2/10, and has not taken any pain relievers for the entire day,” dagdag ng opisyal.

Nananatili namang stable ang vital signs ni Moreno habang wala namang “significant chest findings” sa resulta ng kanyang x-ray.
Nagpositibo ang alkalde noong Agosto 15.