Hiwalay na? Paolo in-unfollow LJ sa IG, pictures binura

USAP-USAPAN sa social media ang pag-unfollow ni Paolo Contis sa asawang si LJ Reyes.


Binura na rin ng aktor ang mga pictures ni LJ, na karamihan ay kasama ang kanilang anak na si Summer, sa kanyang Instagram account.


Kasalukuyan ding wala nang pina-follow si Paolo sa kanyang IG.


Pero sa Instagram account ni LJ ay narooon pa rin ang mga pictures ni Paolo.


Wala pang kumpirmasyon ang dalawa ukol sa estado ng kanilang relasyon. –A. Mae Rodriguez