Digong fully-vaccinated na



INANUNSYO ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na natanggap na ni Pangulong Duterte ikalawang dose ng bakuna.


“Si Pangulo po ay vaccinated na po. Napakahalaga po nito, para lalo namin siyang maingatan, lalo na magagawa niya nang maayos at tuloy-tuloy ang kaniyang tungkulin, upang makapaglingkod sa ating mga kababayan,” sabi ni Durante.


Idinagdag ni Durante na natanggap ni Duterte ang kanyang second dose 14 araw matapos ang kanyang unang dose.


“Yeah, fourteen days after ‘yung activity, nagkaroon po siya ng second dose,” aniya. –WC