18 bata patay, 16 iba sugatan sa sunog sa martial arts school

NASAWI ang 18 kabataan habang sugatan ang 16 na iba nang masunog ang martial arts school sa bayan ng Zhecheng sa gitnang China, ayon sa ulat.


Napag-alaman na karamihan sa mga biktima ay nasa pagitan ng pito at 16-taong-gulang at tumutuloy sa mismong paaralan.


Apat sa mga sugatan ay nasa kritikal na kondisyon.


Nagsimula ang sunog madaling araw at naapula makaraan ang ilang oras.


Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.


Mayroong 34 na estudyante sa nasabing paaralan nang maganap ang sunog.
Nadakip na ang namamahala nito.