P247.1M jackpot sa Grand Lotto zero winner pa rin

WALA pa rin nakakasungkit sa mahigit P247 milyong jackpot ng Grand Lotto.

Sa bola nito Miyerkules ng gabi, umabot sa P247,174,000.80 ang kabuuang jackpot para sa winning combination na 54-10-17-53-39-06.

Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.