Dalaga hinihinalang sinapian ng bad spirit sa gitna ng interview

TRENDING ngayon sa social media ang video interview ng mag-asawang Julius at Tintin Babao sa isang dalaga na diumano’y sinapian ng masamang espiritu.

Nasa gitna ng online interview si Jane Civico sa programang Julis And Tintin sa One News nang biglang umikot at tumirik ang mga mata nito.  

Guest din ng mag-asawa si Father Ramon Merino para magbigay ng insights hinggil sa sensitibong isyu ng pagsanib ng masamang espritu sa tao.

Nasa gitna nang kanyang pagkukuwento si Jane tungkol sa naranasan anya niyang pagpasok ng bad spirit sa kanyang katawan, nang unti-unting nag-iba ang anyo nito.

Ayon kay Merino, hindi dapat kinakausap ang espiritu kung nasa katawan ito ng nasasaniban.