Kasambahay ginahasa, nabuntis ng amo

SHOOT sa kulungan ang lalaki na nabuntis ang menor de edad niyang kasambahay matapos umanong gahasain nang paulit-ulit. 

Todo-tanggi ang suspek na siya ang ama ng ipinagbubuntis ng biktima bagaman inamin niya na minsan niya itong “nagalaw” dahil sa sobrang kalasingan.

Ayon sa ulat, isiniwalat ng kasambahay sa kanyang mga kaanak na nagdadalang-tao siya makaraan siyang pagsamantalahan ng suspek.

Agad na dumulog ang pamilya sa pulisya para ipaaresto ang suspek. 

Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kasong rape at child abuse.