Elevator bumagsak, 1 patay

ISA ang nasawi matapos bumagsak ang isang elevator na kanyang kinukumpuni sa isang gusali sa Pio del Pilar, Makati City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection, inaayos ang sirang elevator ng Burgundy Corporate Tower sa Gil Puyat sa barangay Pio del Pilar nang aksidente itong bumagsak alas-6 ng umaga.