Dagdag presyo sa produktong petrolyo nakaamba muli

NAKAAMBA muli ang dagdag presyo sa produktong petrolyo kung saan aabot ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro ng gasolina ang itataas.

Bukod dito, inaasahang tataas ang presyo ng diesel mula P0.85 hanggang P1.15 kada litro, samantalang aabot naman sa P1.10 hanggang P1.15 kada litro ang presyo ng kerosene.

Sinabi ng mga industry player na ang patuloy na pagtaas ng langis ay bunsod na rin ng pagsipa ng konsumo ng China.