Paolo Contis: Di kailangan love ng anak

WALA umano siyang magagawa kung sakaling hindi siya mahalin ng kanyang mga anak, ayon sa aktor na si Paolo Contis.

Sa kanyang pagtatapat kay Boy Abunda, sinabi ni Paolo na matatanggap niya kung hindi man siya mahalin ng kanyang mga anak sa mga dating partner.

Gayunman, ang hiling lang sana niya ay hindi magalit ang mga ito sa kanya.

“Hindi ko kailangan na mahalin nila ako kasi hindi ko yun masisisi,” ayon sa aktor.

“To be honest, nasa stage ako na maging magkaibigan tayo eventually. Okay na yun, civil lang,” chika pa ni Paolo.

Ang mahalaga sa kanya ay huwag magalit ang kanyang mga anak.

“Huwag lang galit,” sey ng aktor. “Hopefully, it will come. Maybe, I have no idea, pero that’s my biggest fear… is for them to actually hate me,” pag-amin ni Paolo.