34% Pinoy lumala ang pamumuhay – SWS

TINATAYANG 34 porsiyento ng Pinoy ang nagsabi na lumala ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey mula Abril 19 hanggang 27, 2022, lumalabas na 34 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabi na hindi bumuti ang lagay ng kanilang pamumuhay, habang 32 porsiyento naman ang nagsabi na gumanda ang kanilang kalagayan at 34 porsiyento ang nagsabi na walang pinag-iba kumpara noong isang taon.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 respondents.