Sawa gumala sa eskinita, nasilo

ISANG 12-talampakang sawa ang nahuli habang pagala-gala sa eskinita sa Angono, Rizal nitong Biyernes ng gabi.


Agad naman itong nasilo ng mga tauhan ng Rizal Anti-Crime and Emergency Response Taskforce.


Ayon sa task force, rumoronda sila sa lugar nang lapitan sila ng humahangos na residente na nakakita umano ng ahas.
Nai-turn over na ang sawa sa

DENR-Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Rizal.