John Prats ring-bearer sa kasal ni Angelica

“IT was an honor na naging ring bearer n’yo ako.”


Ito ang mensahe ni actor-director John Prats sa kanyang kaibigan na si Angelica Panganiban na ikinasal nitong Sabado sa mister na si Gregg Homan sa Siargao.


“To my Pets! Sobrang saya naming lahat para sa inyo ni Gregg Homan. Sobrang saya din ng mga puso namin na makita ang mga ngiti nyo!” ani John sa Instagram post.


“Mabuhay ang bagong kasal! It was an honor na naging ring bearer n’yo ako. Love you Angelica Panganiban and Gregg Homan,” dagdag ni John.


Matatandaan na unang ikinasal sina Angelica at Gregg sa US noong December 31, 2023.