PNP kukuha ng 14,208 bagong pulis sa 2023

PLANO ng Philippine National Police (PNP) na kumuha ng 14,208 bagong pulis para sa 2023.

Sinabi ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na maglalaan ng P5.18 bilyon para sa mga sweldo ng mga bagong pulis.

“Siyam sa bawat sampung krimen ang lulutasin. ‘Yan ang promissory note ng PNP. Nangako rin sila na kapag nag-S.O.S. ka sa pulis, wala pang kinse minutos, nandyan na sila,” dagdag ni Recto.

Kapag pinayagan, aabot na sa 227,410 ang kabuuang pwersa ng PNP.