Maynilad customers inabisuhan: Mag-ipon na ng tubig

PINAALALAHANAN na ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang mga kostumer nito sa maraming bahagi ng Maynila, Makati, pasay at Parañaque para sa nakatakdang water interruption mula Marso 5 hanggang 7.

Ito ay bunsod sa gagawing repair sa major pipe leak na natagpuan sa Osmeña highway corner Zobel Roxas street sa Makati (boundary ng Maynila).

Ang repair ay para sa nagli-leak na 2,200mm-diameter primary line.

Magsisimula ang water interruption simula alas-3 ng hapon ng Linggo (Marso 5) hanggang 11:59 ng Martes (Marso 7).