Polo ni Francis M isusubasta para sa Parokya member na may cancer

IBINIBENTA ng bokalista ng Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda ang polo na ginamit ng namayapang rapper-actor na si Francis Magalona sa music video na “Bagsakan.”

Ani Chito, gagamitin ang mapagbebentahan sa pagpapagamot ng gitarista nilang si Gab Chee Kee na mayroong lymphoma.

“Tingnan nyo kung ano yung nahanap namin. Yung polo ni Sir Kiko sa Bagsakan,” ani Chito sa Instagram post.

“Honestly, di na ko umaasa na mahahanap pa namin yung pangatlong polo…pero nagbakasakali ako, at nag-message ako kay Saab Magalona (anak ni Francis),” dagdag niya.

“After a few days, she sent me this photo…nahanap nila yung polo and pumayag si Ma’am Pia ipa-auction yung polo ni Sir Kiko for Gab!!! Game on!!!” saad pa niya.

Matatandaan na naibenta ni Chito ang polo na ginamit niya sa nasabing music video sa halagang P110,000.