Marcos, Sara hataw sa approval rating, ayon sa Pulse Asia

HATAW ang approval rating nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterete sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Nakakuha si Marcos ng 78 percent approval rating habang 83 percent naman si Duterte.

Sa resulta ng survey ng Pulse Asia na inilabas ngayong Miyerkules, sinasabing limang porsiyento lamang ng 1,200 na tinanong ang nagsabing hindi sila satisfied sa trabaho ni Marcos nitong nakalipas na pitong buwan, habang 4 percent lang ang disapproval rating ni Duterte.


Ginawa ang survey noong Marso 15 hanggang 19.
Samantala, parehong nakakuha ng 51 percent approval rating sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.  Nakakuha naman ng 41 percent si Chief Justice Alexander Gesmundo.

Nagmula sa Metro Manila ang pinamababang approval rating ni Marcos.  Sa Luzon naman nakakuha si Duterte ng pinakamababang iskor.