Malawakang water interruption sa MM ipatutupad ng Maynilad ngayong araw

INIHAYAG ng Maynilad Water Services, Inc. na magpapatupad ng malawakang water interruption Metro Manila at Cavite ngayong Martes dahil sa umano’y pagbaba ng elevation sa Ipo Dam. 

Idinagdag ng Maynilad na magsisimula ang water interruption mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. 

“Our customers in portions of Manila, Caloocan City, Malabon City, Quezon City will experience water interruption from 8:00 am until 7:00 pm of October 11 due to low water elevation in Ipo Dam,” sabi ng Maynilad. 

Idinagdag ng Maynilad na magpapakalat ng mga mobile water tanker sa mga apektadong lugar.

“We apologize for the inconvenience,” dagdag ng Maynilad.