Kelot nasawi sa biyahe

NAMATAY ang lalaking pasahero ng van habang nasa biyahe sa North Cotabato.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng pink na t-shirt, itim na jacket, maong na shorts, at sandals.

Base sa imbestigasyon, mula sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato at patungo sa Midsayap ang biktima.

Ayon sa mga saksi, bigla na lang sinapo ng biktima ang dibdib at tila nahihirapang huminga bago nasawi.

Inaalam pa ng pulisya ang ikinamatay ng biktima.