Babae naningil ng utang sa sabungan, sinapak

PUTOK ang kilay ng isang babae na sinuntok ng lalaking sinisingil niya ng utang sa isang sabungan sa Numancia, Aklan.

Duguang dinala sa ospital ang biktima, 47, residente ng Laguinbanua West, Numancia, ayon sa pulisya.

Pinaghahanap na mga otoridad ang suspek, 31, taga-Brgy. Bulwang, Numancia.

Sa ulat, naaktuhan ng babae ang suspek sa sabungan sa bayan kaya siningil niya ang utang nito na P5,000.

Sinabi ng suspek na wala siyang pera pero kinulit ito ng biktima. Sa inis, sinuntok ng lalaki ang babae sa mukha.

Tumakas ang suspek habang dinala sa pagamutan ang biktima.