Diwata mas ‘gumanda’ dahil kay Coco

MAS dumami ang kostumer ng Diwata Pares Overload nang itinampok ang owner nito sa action-serye ni Coco Martin na “FPJ’s Batang Quiapo.”


Ayon kay Diwata, grabe ang naging reception ng publiko sa paglabas niya sa TV series.


“Alam naman natin na kahit hindi pa ako lumalabas doon sa TV, marami naman na akong customer. Mas lalo akong gumanda ngayon ‘nung lumabas ako sa ‘Batang Quiapo,’ nadagdagan pa lalo,” sey ng street food sensation.


“Nakatulong talaga ang TV exposure sa business ko,” dagdag niya.


Isang dream come true rin para sa kanya na makasama ang mga idolo niyang sina Coco at Ivana Alawi.


“Noon napapanood ko lang sila pero ngayon ay kasama na ako sa mga eksena,” hirit pa niya.


Bukod sa “Batang Quiapo,” nagpapasalamat din si Diwata sa mga vloggers at news outlets na nagpupunta sa kanyang paresan kaya napo-promote ito nang husto sa social media.


“Malaking impact ito, malaking tulong talaga ito sa negosyo ko kasi nakikilala siya,” pagdidiin niya.