Bea, Dom halos pareho post sa IG; fans nakiliti

KINILIG ang mga tagasuporta nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa halos parehong post nila sa kani-kanilang social media accounts.


Sa kanyang Instagram account, shinare ni Bea ang serye ng mga larawan, kabilang ang isa na kasama ang kanyang aso at isa pa ba naglalaro ng tennis.


“Thank you, March,” caption niya post.


Nag-post din si Dominic sa kanyang IG account ng mga litrato sa kabilang ang isa na naglalaro siya ng tennis.


Caption niya: “Marso.”


Tila nagbunyi naman ang kanilang fans sa halos magkatulad na post ng dalawa.


“Yie couple post. May pa March pics.”
“Yeys! Mukhang may comeback sila.”
“Wow same nagshare ng ganap nyo ng March.”
“Basta ako kinikilig may pa- March at Marso.”


Matatandaan na inanunsyo nina Bea at Dominic ang kanilang break-up noong Pebrero.