Aso pinana sa mukha

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang nasa likod ng pamamana sa isang aso sa Legazpi City, Albay kamakailan.

Natagpuan ng mga concerned citizens ang aso, na pinangalanan na Arrow, na nakabaon pa ang palaso sa mukha nito sa Brgy. Puro.

Agad na dinala sa animal clinic si Arrow para matanggal ang pana. Sa kabutihang-palad, saad ng beterinaryo, hindi tumagos sa bungo ng aso ang palaso.

Sa kasalukuyan ay mabuti na ang lagay ni arrow at nasa pangangalaga ng Albay Animal Rescue.

Nagba-backtrack na ng CCTV ang mga otoridad upang matukoy ang salarin.

Matatandaan na dalawang shih tzu ang pinutulan ng tenga ng hindi pa rin nakikilalang salarin sa nasabing siyudad ilang araw na ang nakararaan.