6 NPA patay sa sagupaan sa Negros Occidental

ANIM na hinihinalaang miyembro ng New People’s Army ang napatay matapos makipagsagupaan sa mga tauhan ng gobyerno sa Kabankalan City, Negros Occidental Huwebes ng gabi.

Galing umano sa South-Western Front ng NPA-Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol at Siquijor ang mga napatay, ayon kay Brig. Gen. Joey Escanillas, hepe ng 302nd Infantry Brigade.

Ang mga nasawi ay sina Alejo delos Reyes, lider ng Squad 2 ng Sangay Yunit Propaganda Platoon 3; Marjon Alvior at Bobby Pedro, vice squad leaders; Mario Fajardo Mullon, Squad 1 medic; asawa ni delos Reyes na si Melissa dela Peña, at isa pang hindi nakikilalang babae.

Tumagal ang bakbakan ng 10 minuto.

Bago ito ay nakatanggap umano ng tip ang mga sundalo mula sa mga residente ng Sitio Lubi, Barangay Tabugon, at doon na nga nangyari ang bakbakan.