9 na patay kay ‘Maring’

UMABOT na sa siyam ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring sa northern Luzon at ilang bahagi ng MIMAROPA. ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa report ng ahensiya, tatlo ang nasawi sa landslide sa La Trinidad at isa sa Itogon, na kapwa nasa Benguet. Isa naman ang nalunod sa Claveria, Cagayan at apat sa Narra, Palawan bunsod ng matinding pagbaha.

Aabot naman sa 478 pamilya o kabuuang 1,638 katao ang apektado ng bagyo, at 247 pamilya ang inilikas.

Inaasahang lalabas ang bagyo mula sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw.