Solo winner ng P401M lotto jackpot tumaya sa Iloilo City

SA Iloilo City tumaya ang solong nanalo sa P401 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Samantala, isang taga-Naic, Cavite naman ang nakatumbok sa winning numbers sa Lotto 6/42 at mag-uuwi ng premyong P5.9 milyon.

Nagwagi ang dalawang bettors sa bola nitong Sabado ng gabi.

Para makubra ang kanilang panalo, kailangang magtungo ang mga lucky bettors sa PCSO main office sa Mandaluyong at iprisinta ang kanilang lucky tickets at dalawang valid IDs.

Mayroong isang taon sila para makuha ang mga premyo nang hindi ito napo-forfeit.

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.