DOJ chief nadale ng Covid-19

INANUNSYO ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong Linggo na positibo siya sa COVID-19.

“I have Covid. Tested positive Thursday,” ayon kay Remulla.

Dagdag ng opisyal na nakakaranas siya ng mild symptoms.

Ginawa ni Remulla ang pahayag ilang araw lamang matapos ring magpositibo sa Covid- 19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na bumubuti na ang kalagayan ni Marcos.