Rendon tuluyan na nga bang maglalaho sa social media?

LALONG lumiit ang mundo sa social media ng motivational speaker na si Rendon Labador.

At konti-konti na nga lang ay magiging nonexistent na si Rendon sa social media.

Matapos ma-ban sa TikTok, Facebook, Google at ma-restrict sa Instagram ay ni-lock na rin ng X (dating Twitter) ang kanyang account.

Mismong si Rendon ang nag-anunsyo ng “development” sa kanyang IG page.

Ayon sa Twitter, ikinandado ang kanyang account dahil sa “graphic violence or adult content in profile pictures.”

“You may not include graphic violence or adult content in your profile photo or profe header image…repeated violations may lead to a suspension of your account,” dagdag nito.