Nagregalo ng saging sa Teachers’ Day, inulan ng chocolates

NATATANDAAN n’yo pa ba si John Paul, ang pupil na nagregalo ng isang piling na saging sa kanyang guro sa isang elementary school sa Mulanay, Quezon?

Sa nakaraang National Teacher’s Day ay inabot ni John Paul ang regalo sa advisory teacher niyang si Elea Robles Brocales sabay sabi na, “Maam chocolate po sana ay wala naman po akong pambili. Are na laang po. Ako po nagtiba niyan kahapon.”

“Mayroon man o wala, mahal ko kayo mga anak. Salamat,” sagot naman ni teacher Elea.

Maraming netizens ang nabagbag ang damdamin kay John Paul kaya pinadalan nila ito at kanyang mga kaklase ng ilang balot ng chocolates.

Post ni teacher Elea sa Facebook: “May chocolates na po sila! Thank you po sa pagiging Santa Claus. Happy Teacher’s Day po. God bless.”