Trending: Ginang namatay sa debut ng anak

BUMUHOS ang luha sa masaya sanang debut ng isang dalaga sa Maragusan, Davao de Oro
makaraan sumakabilang-buhay ang kanyang ina sa mismong araw ng party.

Ayon sa Facebook post ni Rose Jean Pio, ang ina pa nila ang naging punong-abala sa paghahanda sa party ng kapatid na si Lovely.

Hindi naman nila inakala na ilang oras bago ang debut ay babawian ng buhay ang kanilang ilaw ng tahanan.

Itinuloy ang party ni Lovely dahil ito umano ang nais ng kanilang ina, pero sa isang video na ibinahagi ni Rose ay makikita na humahagulgol ang mga miyembro ng pamilya at mga kamag-anak habang binabati ang may kaarawan.

Ani Rose: “Nabuhat na namo imong gusto mahitabo ma🥺, lain lng kay wla ka😭. Ikaw pa nmn nag plano aning tanan, ikaw rmn diay ang mamiya🥺.

“Instead nga Happy birthday, SAD 18th Birthday sa imuha bing 🥺.

“Grabeg pa surprise ni mama sa imuha🥺.

“Halos tanan fud me na surprise sa kalit ra niya nga pag biya sa atoa😭.

“Wla ko nag dahom, nga dle diay birthday celebration akong ulion. Kunde patay’ng lawas ni mama nga nibiya na sa atoa😭😭😭

“Grabeg birthday gift ni mama ui😭. Mao diay nga excited kaau sya sa imong birthday, mag pahulay na diay sya sa dayon🥺.”

📷: Rose Jean Pio/Facebook