Diwata arestado dahil sa slight physical injuries

ARESTADO ang kontrobersyal na food vlogger na si Diwata o Deo Balbuena sa totoong buhay.

Ayn sa Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS), inaresto si Balbuena dahil sa kasong slight physical injuries, nitong Martes, Abril 16.

Ito ay may kaugnayan sa kasong nangyari noong Oktubre 2, 2018.

Inaresto si Balbuena base sa arrest warrant na inisyu ni Judge Allan Ariola ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 48. Isinampa ang kaso ng isang Rogelio.

Pinakawalan na rin si Diwata na nasa likod ng kontrobersyal na D’Wata Pares Overload matapos mag-bail ng P3,000.