Aso itinali sa motor saka kinaladkad, tepok

DINAKIP ang tatlo katao na itinali umano ang isang aso sa likod ng motorsiklo bago ito kinaladkad sa Iligan City, Lanao del Norte.


Nahaharap ang tatlo, na hindi kinilala, sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act.


Bago ito, nag-viral ang video ng aso na nakahiga sa kalsada at may nakapulupot na wire.


Hinila ng isang lalaki ang dulo ng wire saka ikinabit sa likod ng motor.


Maya-maya pa ay sumakay ito sa motorsiklo at pinaandar kaya nakaladkad ang aso.


Ayon sa mga suspek, pinatay nila ang aso dahil marami na itong nakagat na aso sa lugar.