Netizens dismayado sa pagregalo ng P1M ng groom sa bride

NA-BASH ang groom na naglatag sa sahig ng P1 milyon na regalo niya sa kanyang bride.


Sa Facebook video na shinare ng wedding host na si Lester Dave Verano ay makikita ang groom na binuksan ang isang maleta saka inilabas ang tig-P1,000 at inilatag sa sahig.


“1 million pesos cash gift from the groom to his bride!! 1 million na pagmamahal from the groom to her wife!! Isang 1 million na sana all!! Congratulations couple!!” ani Verano sa caption.


Binatikos naman ng ilang netizens ang ginawa ng groom na inilarawan bilang “show off.”


“Flexing money with other people can attract a lot of evil people…I just hope they did this privately to protect their family. Remember not everyone around you is happy.”
“I don’t like it. In the face of scarcity and prevalent poverty it’s just like adding in salt to the wounds of the sick society we have.”
“Money talks, wealth whispers. Hindi na kailangan pa gawing carpet ang pera.”
“Papahirapan pa ung bride magtanggal sa plastic, sana inabot na lang.”
“Hindi na ba uso ngayon na ang ibigay eh passbook or atm card na nakadeposit ang pera kesa pa show off ng ganito? Tapos later magtataka bakit inuutangan. At saka mag asawa na sila so share pa din sila dyan.”
“May regalo rin saken asawa ko bago kami ikasal pero di ko n need ipakita o ipaalam. Basta pangalan ko nkalagay dun. Ayaw ko ng may naiinggit.”